Nagbabala kahapon ang Caloocan City government na aarestuhin at kakasuhan ang sinumang pasahero sa EDSA Bus Carousel sa Monumento, kapag ang mga ito ay hindi sumunod sa ipinatutupad na safety at health protocols.

Kasabay nito, nag-inspection si Mayor Oscar Malapitan sa lugar, kasama ang mga  tauhan ng Public Safety and Traffic Management Department (PSTMD), upang alamin kung sinusunod ng mga pasahero ang protocol.

Nitong  nakalipas na Miyerkules, dinagsa ng mga pasahero  ang libreng sakay na alok ng Department of Transportation na naging dahilan ng paghaba ng pila ng mga mananakay kaya ikinabahala ng pamahalaang lungsod ang posibleng hawaan ng coronavirus disease sa lugar.

Idinagdag pa nito, ang sinumang lalabag sa ipinaiiral na kautusan ay aarestuhin ng mga awtoridad at kakasuhan. 

National

Sen. Estrada sa ₱800 wage hike ng mga kasambahay: 'A great help'

Orly Barcala