TARLAC CITY - Makalipas ang halos tatlong taong paghahanap, natagpuang din ang bangkay ng isang 87-anyos na babae sa Sitio Matapa, Barangay San Luis, nitong Biyernes ng umaga.
Ayon sa pulisya, mga buto na lamang ang natagpuan sa nasabing lugar na pinaniniwalaang si Gloria Castañeda at ito ay kinilala naman ng dalawang anak na sina Romeo, 47, taga-San Luis, at Jessie Castañeda, 50, at taga-Block 7, San Vicente ng nabanggit na lungsod.
Sinabi ng magkapatid na nang mawala ang kanilang ina ay nakasuot ito ng puting t-shirt, pajama, at tsinelas matapos na hindi umuwi sa kasagsagan ng malakas na ulan noong Setyembre 2018.
Ipinapalagay ng pulisya na ito'y nalunod, gayunman, natagpuan ang kanyang bangkay sa madamong bahagi ng Sitio Matapa makalipas ang halos tatlong taon.
Leandro Alborote