NEW YORK, United States — Pumalo sa higit P4.8 billion o $104 million “Woman sitting by a window (Marie-Therese)” painting ng na obra ng tanyag na pintor na si Pablo Picasso, pagbabahagi ng Christie’s sa New York, nitong Biyernes.
Nakumpleto noong 1932, unang nabenta ang painting sa halagang $90 million, na tumaas sa $103.4 million nang isama ang fees at commissions, matapos ang 19 na minutong bidding, ayon sa auction house.
Kinumpirma ng halaga ang sigla ng art market sa kabila ng Covid-19 pandemic —bagamat maituturing ang special status ni Picasso, na ipinanganak noong 1881 at pumanaw noong 1973.
Isang kaparehong painting ang nabenta rin walong taon na ang nakalilipas sa isang London sale sa halagang 28.6 million pounds, o nasa $44.8 million, halos wala pang kalahati ng presyo na inalok nitong Huwebes.
Limang obra na ng Spanish painter ang lumapas sa symbolic threshold na $100 million.
Bago pa ang subasta, nag-iisa lamang si Picasso sa “very exclusive club” na may apat na paintings, kabilang ang “Women of Algiers,” na may hawak ng record para kay Picasso, sa $179.4 million noong 2015.
Ito ang unang beses sa loob ng dalawang taon na nabasag ang $100 million mark, mula nang mabenta ang isang kopya ng Claude Monet’s “Meules” series sa $110.7 million sa Sotheby’s, sa New York.
Nitong Martes, nabenta naman sa $93.1 million ang painting na “In This Case” ni American painter Jean-Michel Basquiat sa Christie’s, una sa major spring sales, at isa sa pinakamahalagang events sa mundo ng auction.