Simbolo ng watawat ng Pilipinas ang ibinandera ni Miss Philippines Rabiya Mateo, sa ginanap na 69th Miss Universe National Costume competition ngayong Biyernes (Huwebes sa US), sa Seminole Hard Rock Hotel, Florida.

Mala-Victoria’s secret angel ang peg ng pambato ng Pilipinas habang rumarampa sa entablado ng Miss Universe, sa pa-wings na istilo sa national costume nito. Kapansin-pansin din ang kulay asul at pula na kulay na kumakatawan sa watawat ng Pilipinas at ang tatlong bituin para sa Luzon, Visayas, at Mindanao.

Surpresang maituturing ang national costume ni Rabiya dahil never niya ito o ng kanyang team na ipinakita sa mga netizens for the sake of element of surprise. Ang national costume kasi ang isa sa pinaka aabangan ng mga pageant fanatics na nagpapawow sa isang kandidata. Lalo na para makakuha ng atensyon sa mga hurado at maging sa mga tagasuporta ng Miss Universe.

Ang national costume ni Rabiya ay likha ng namayapang Pinoy international designer na si Rocky Gathercole. Ang headpiece naman na gagamitin ni Rabiya ay gawa ng Bulacan based-jeweler na si Manny Halasan who was commissioned by Miss Universe-Philippines Design Council head Albert Andrada para gawin ang headpiece at accessories ng naturang national costume. Kamakailan nga lang ay kasama itong dinala ng Binibining Pilipinas Universe 2011 Shamcey Supsup-Lee patungong Amerika ang “missing piece” ng national costume ni Rabiya Mateo. Kaalinsunod na rin ang pagsuporta niya kay Rabiya bilang national director ng Miss Universe Philippines Organization at bilang kababayan.

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador

Samantala bago ang kompetisyon, sumalang sa isang virtual interview si Rabiya kay dating Binibining Pilipinas Universe 2014 MJ Lastimosa, na kasalukuyang nasa US na rin para sa Plus Talks Para sa Pinoy ng Plus Network. Dito nagpatikim ng ilang detalye ang Miss Philippines hinggil sa kanyang costume.

Aniya, “I’m excited to show you guys my national costume and it’s sexy. I find confidence but I show some skin, not too much. It’s a representation of Luzon, Visayas and Mindanao wrap at one. I really envisioned myself with this this costume eversince. So it’s heavy to be honest that’s why I really need to practice it. I really need to… like workout physically. Yung alam mo yung pinapasok mo talaga sa isip mo na kahit mabigat ito irarampa ko talaga ito.”

Dagdag pa ni Rabiya ang runway nila ay mahaba kaya extra hirap daw ito para sa kanya but she’s after the challenge at para raw ito sa kanyang bansa.

Abangan ang itotodong paghala bira ng ating pambatong si Miss Universe Philippines Rabiya Mateo sa preliminary competition sa May 15 (May 14 sa USA) at sa final night ng 69th Miss Universe 2020 sa May 17 (May 16 sa USA). Mapapanood ito ng live sa A2Z channel sa ganap na 8 a.m. at 8 p.m. naman sa USA.

Dante A. Lagana

https://youtu.be/juPzye6YrBI