Makalipas ang isang siglo matapos ang malagim na paglubog nito, muling binubuhay ang Titanic sa isang landlocked Chinese theme park, na maaaring mabisita at manatili ng isang gabi.

Inspirasyon ng main backer ng proyekto na i-recreate ang world’s most infamous cruise liner ng 1997 box office hit movie—na dating top-grossing film sa mundo at labis na sumikat sa China.

Ang orihinal na maluhong barko, ang pinakamalaki sa panahon nito at tinawag na “unsinkable” ng mga may-ari, ay nakilala ng lahat mula nang lumubog ito sa Atlantic noong 1912 nang bumangga sa isang iceberg, na ikinasawi ng 1,500 tao.

Sinabi ni investor Su Shaojun, na napapayag siyang pondohan ang 260-metre-long (850-foot-long) replica upang mapanatiling buhay ang alaala ng Titanic.

Internasyonal

Pinay tourist sa Taiwan, nabangga ng tren habang nagpipicture

“I hope this ship will be here in 100 or 200 years,” ani Su.

“We are building a museum for the Titanic.”

Inaabot na ito ng anim na taon—mas mahaba sa konstruksiyon ng orihinal na Titanic—dagdag pa ang 23,000 tonelada ng bakal, daan-daang mangagawa, at ang tumataginting na 1 billion yuan ($153.5 million) price tag.

Lahat ng istilo mula sa dining room hanggang sa luxury cabins at maging ang mga door handles ay ginaya sa orihinal na Titanic.

Nakasentro ito sa Sichuan province theme park higit 1,000 kilometers (620 miles) mula sa dagat.

Bukod sa Titanic replica maaari ring mabisita sa themepark ang replica ng Southampton Port mula sa pelikula ni James Cameron, ang 1997 disaster epic.

Sa pagbisita sa Titanic replica masasakyan papasok ang mga tour bus na nagpapatutog ng “My Heart Will Go On” ni Celine Dion, ang theme song ng pelikula.

Umaabot naman sa 2,000 yuan (around $150) ang bayad para makapag-stay ng isang gabi sa ship na may “five-star cruise service”, ayon kay Su, na dahil sa functioning steam engine mararamdaman ng mga guest na parang nasa dagat sila.

Sa katunayan sa sobrang excitement ni Su sa challenge na mabuo ang Titanic replica, ibinenta niya ang kanyang energy industry assets, kabilang ang stake sa ilang several hydropower projects, para lamang makapag-invest sa Titanic.

Agence-France-Presse