Nakatakdang sumabak ang 6-man Philippine surfing team sa pamumuno ni 2-time national champion John Mark Tokong sa ìdaraos na 2021 International Surfing Association World Surfing Games (WSG) sa El Salvador sa Mayo 29 hanģgang Hunyo 6.
Makikipagsapalaran ang mga Pinoy surfer upang magkamitang inaasam na slot para sa nalalapit na Tokyo Olympics.
Nanirahan at tumigil sa New South Wales sa Australia ng mahigit isang taon dahil sa COVID-19 pandemic, bumalik ang 25-anyos na tubong
Siargao island sa bansa noong nakaràang buwan upang makasama ang mga teammate na sina Roger Esquivel Jr., Edito Alcala at women surfers Nilbie Blancada, Daisy Valdez at Vea Estrellado sa kanilang pag-alis patungong WSG para sa huling Olympics qualifier.
Gaganapin ang event sa dalawang magkaibang lokasyon - La Bocana at El Sunzal sa nabanggit Central American country.
“The epic level of surfing there (Australia) was really inspiring. Now, it’s time for me to train harder and dream bigger," ani Tokong, ang 2019 Siargao Surfing International Cup champion at 2019 Southeast Asian Games bronze medalist sa men’s short board event.
Sa tulong ng Philippine Sports Commission (PSC), United Philippine Surfing Association (UPSA) at mga kaibigan, nakapagsanay si Tokong sa Australia sa pamamagitan ng paglahok sa ilang World Surfing League (WSL) competitions.
Nakapagsanay naman ang mga narito sa Pilipinas ayon kay UPSA president Jose Raul Canlas sa Siargao at La Union.
“The highest ranked surfer in Asia for both men and women will qualify. We have an outside chance of getting that slot," ani Canlas.
“They have been training all throughout with minor stoppages due to local lockdowns. Aside from actual work on the waves, they have strength and conditioning,’’ dagdag nito.
Nakatakdang umalis ang koponan sa Mayo 17 para makapag quarantine sa El Salvador bago ang Olympic qualifier.
Marivic Awitan