Pinabulaanan ng kampo ni Vice President Leni Robredo nitong Miyerkules ang pahayag ni dating Senator Antonio Trillanes na ang Pangalawang Pangulo ay naghahanda para tumakbo sa pagka-governor sa Camarines Sur.
Ayon sa tagapagsalita nito na si Barry Gutierrez, walang katotohanan na naghahanda na si Robredo sa pagtakbo sa pagka-gobernador sa lugar at sinabing kasalukuyang nakatuon ang atensiyon nito sa pagtulong sa mga Pinoy sa gitna ng pandemya.
Gayunman, sinabi ni Gutierrez na nananatiling bukas si Robredo sa pagtakbo sa pagka-Pangulo sa 2022 elections. “There is absolutely no truth to the claim that she is making ‘preparations’ to run for governor of Camarines Sur," sabi pa nito.
Bert de Guzman