TARLAC PROVINCE – Aabot pa sa 82 ang naidagdag na panibagong kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) nasabing lalawigan.
Sa datos ng Provincial Health Department ng Tarlac, ang naturang bilang ng kaso ay naitala sa Tarlac City, Camiling, Capas, La Paz, Concepcion, Mayantoc, Paniqui at Santa Ignacia at karatig pang bayan.
Sa kabuuan, nasa 5,580 na ang nahawaan ng sakit sa lalawigan mula nang pumutok ang pandemya sa bansa nitong nakaraang taon.
Kaugnay nito, umaapela pa rin ang health department ng probinsya na sumunod pa rin sa ipinaiiral na safety and health protocols upang makontrol na ang paglaganap ng COVID-19.
Leandro Alborote