Nakatakdang sumabak ang defending Philippines Football League champions United City FC sa Asian Football Confederation Champions League sa Uzbekistan.
Napili ng AFC ang Central Asian country upang maging host ng Groups H at Group I stage matches sa Hunyo 25 hanggang Hulyo 11.
Ang United City FC ay kabilang sa Group I kung saan kasama nila ang 2020 Japan League champion Kawasaki Frontale at Chinese Super League third placer Beijing Guoan.
Ang ika-apat na miyembro ng grupo ay malalaman pa sa magiging resulta ng laban ng South Korean club Daegu FC at Thai football team Chiangrai United sa kanilang preliminary match sa Hunyo 23.
Makakatapat ng top Filipino football club na gagabayan ni coach Jason Withe ang Beijing sa Hunyo 26 at Hulyo 8, ang Kawasaki sa Hulyo 2 at 5 at ang fourth bracket member sa Hunyo 29 at Hulyo 11.
Kabilang sa miyembro ng Golden Boys sina Philippine Azkals stalwarts Justin Baas, Mark Hartmann at Ryan Jarvis at Korean star wingback Jung Da-hwon.
Kabilang din sa grupo ang mga mainstays na sina team captain Stephan Schrock, Hikaru Minegishi, Mike Ott, Sean Kane, Anthony Pinthus, Pocholo Bugas kasama ang Azkals naturalization candidate na si Bienvenido Maranon.
Samantala, ang PFL runner-up na Kaya-Iloilo ay maaari ring makalaro sa 2021 AFC Champions League kung magwawagi sila sa kanilang mga preliminary games sa Thailand.
Ang mga dapat gapiin ng Kaya ay ang Brisbane Roar ng Australia sa Hunyo 20 upang makausad sa second round ng preliminaries kontra Chinese club Shanghai Port sa Hunyo 23 na magtatakda kung sino ang makakasama sa Group F ng 2021 AFC Champions League group stage.
Marivic Awitan
istan