TARLAC CITY - Dinakip ng mga awtoridad ang isang construction worker kaugnay ng kinasasangkutang kasong concubinage sa nabanggit na lungsod limang taon na ang nakararaan.
Sa ulat ni Chief Master Sergeant Mat Pamposa ng Tarlac City Police, nasa kustodiya na ng pulisya si Jessie Pamintuan, 38, may-asawa, at taga-Bgy. Armenia ng naturang siyudad.
Siya ay inaresto matapos na maglabas ng warrant of arrest si Branch 1 Judge Ryan Scott Robiños sa naturang lugar, kaugnay ng naturang kaso.
Itinakda ng hukuman ang piyansang P10,000.00 para sa pansamantalang kalayaan nito.
Leandro Alborote