Pinag-uusapan ngayon sa social media angbonggang bonggang superyacht ng Amazon founder na si Jeff Bezos dahil sa laki at luho nito.

Ang halaga ng yate na pinagawa ng super billionaire? 500 million dollars or ₱25 billion.

Sa kasalukuyan may networth na 200 billion dollars si Bezos at noong 2020 kumita siya ng 75 billion dollars, kaya naman barya lamang maituturing sa kanya ang halaga ng superyacht.

Hugot ng netizen tungkol sa 'Andito na tayo sa edad na...' umani ng reaksiyon

Amazon founder Jeff Bezos

Ang superyacht ay sukat na 417 feet, may helipad, at dahil sa laki nito, magkakaroon pa ito ng isang support yacht.

Ito ang sinasabing pinakamalaking yacht na gagawin sa Netherlands, ang unofficial na “boatmaker of the world,” kung saan karamihan ginagawa ang karamihan ng mga yate.

At ang lawak ng yate katumbas lamang naman ng isang football field.

Sa US, ayon sa National Marine Manufacturers’ Association, nasa 13-year high ang benta ng mga malalaking boats at yachts dahil sa pandemic. Dahil bawal at delikado ang gumala ngayon, karamihan sa mga tinatawag na “super rich” ay pinipili na lamang na maglayag gamit ang kanilang dambuhalang yachts.

Krizette Chu