Bawas muna sa social media ang comedian-TV host na si Vice Ganda.

Sa isang panayam, sinabi nitong bahagi ng ito kanyang effort na manatiling mentally healthy sa gitna ng pandemya.

“How I keep myself sane? I avoid too much toxic stuff especially online,” ani Vice.

Ayon sa komedyante, five percent na lamang ng kanyang oras ang inilalaan niya sa social media at para lamang ito sa pagpo-post, no reading or stalking muna.

Tsika at Intriga

Bea, Julia, at Kim may 'common denominator' daw sa pagiging calendar girl

Niniwala ang It’s Showtime host na nakadaragdag lamang ng worries ang kanyang pagbababad sa socmed.

Ang kanyang payo? “Focus on beautiful things, people.”

Sa kabila naman ng pandemic, tuloy ang pagdaraos ni Vice ng concert.

“Ginagawa ko talaga siya every two years. Talagang naka-schedule this year pero di ko alam paano gagawin dahil may pandemic,” paliwanag ni Vice.

Hinikayat, aniya, siya ni Viva Boss Vic del Rosario na gawin ito virtually.

Magaganap ang back-to-back streaming ng Gandemic: Vice Ganda the VG-tal concert sa Hulyo 17, 9 p.m. (Philippine streaming) at Hulyo 18, 11 a.m. (Worldwide streaming).

Pangako ni Vice, patatawanin nito ang kanyang mga viewers lalo’t 90 percent ng show ay naka-focus sa kanyang sariling paraan ng komedya.

“Grabeng patawa ito dahil ito yung kailangan ng lahat,” paniniguro ni Vice.

“For one night, in span of two hours makakalimutan nila nangyayari sa paligid. Huminga lang. Matawa. Na we don’t experience every day now. So I will make sure na ibibigay ko sa kanila — joy!”

Bagamat hindi pa finalized, kabilang sa original guests sina Ice Seguerra at Jake Zyrus para sa LGBT-themed number, at sina Moira deal Torre at Anne Curtis.

Stephanie Bernardino