Nanawagan si Senador Panfilo Lacson na itigil muna ang katiwalian sa pamahalaan at bangayan ng mga pulitiko bunga ng kinakaharap na ga-bundok na problema ng bansa na pinalala pa ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic.

Aniya,  hindi pa malinaw ang hinaharap at kinakailangan na isipin ng lahat na Pilipino ang kapakanan ng bayan at kalimutan na muna, lalo na ng mga mapagsamantala, ang pagpapalago ng sariling bulsa.

"All of us Filipinos should think of the national interest and unite to promote it. Those Filipinos engaging in corruption now, especially those wanting to make dishonest money from COVID, are not exempt from this," banggit ni Lacson.

Una nang nakatanggap ng impormasyon ang mambabatas hinggil sa korapsyon sa pagbili at suplay ng testing kits at mga makina, face masks, face shields, personal protective equipment (PPE) at mga kahalintulad na kagamitan sa pagtukoy at proteksiyon laban sa COVID-19.

Probinsya

OFW na hinoldap, inundayan ng saksak sa terminal sa Maynila, nakauwi na ba sa pamilya?

Leonel Abasola