CAMP DANGWA, Benguet – Matapos umanong mapagod sa kanilang pamumuhay sa bundok, nagboluntaryong sumuko sa gobyerno ang 51 pang kaanib ng New People's Army (NPA) sa Cordillera region, kamakailan.
Paliwanag ni Regional Information Officer Capt. Marnie Abellanida, kabilang sa mga sumuko ay mula sa Abra, Benguet, Mt.Province; Apayao; Kalinga at Ifugao.
Ang pagsuko aniya ng mga ito ay resulta ng patuloy na negosasyonng pulisya sa makakaliwang mga grupo.
Sinabi aniya ng mga sumurender na pagod na sila sa pamumundok at nais na nilang makapiling ang kanilang mga mahal sa buhay para sa pagbabagong-buhay ng mga ito.
“Ang mga sumukong rebelde at handang magbagong-buhay ay pagkakalooban ng kabuhayan na ipinangako ng pamahalaan sa ilalim ng Enhanced Comprehensive Local Integration Program (E-CLIP),” pahayag pa ni Abellanida.
Zaldy Comanda