Sa gitna ng panibagong lockdown bunsod nang pagtaas ng mga kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa Metro Manila, ilang grupo mula sa private sector ang nagtipun-tipon upang labanan ang nararanasang kagutuman sa Metro Manila.

Ang Lingküd Bayanihan, isang humanitarian food at relief goods distribution campaign na pinangunahan ng Clean Air Philippines Movement Inc. (CAPMI), ay naglunsad ng caravan sa Hospicio de San Jose, isang homeless shelter sa Quiapo, Maynila.

Nasundan pa ito ng ilang serye ng caravan sa iba pang bahagi ng Maynila, Quezon City at maging sa ibang bahagi ng Metro Manila upang tugunan ang kagutuman ng mas nangangailangan dahil sa pagkawala ng kanilang hanapbuhay dulot ng mas mahigpit na modified enhanced community quarantine

Kabilang sa nakiisa sa caravan ay ang Philippine Medical Association (PMA), Vegetable Importers Exporters Vendors Association (VIEVA), Confederate Sentinels of God (CSG), Beta Sigma Fraternity Medical Group, League of Data-privacy and Cybersecurity Advocates of the Philippines, Philippine National Police, lokal na pamahalaan at mga barangay, ayon kay

Eleksyon

Jimmy Bondoc, nagpasalamat kay Sen. Alan Peter Cayetano: 'Tumindig siya para sa akin!'

CAPMI president Leo Olarte, M.D.

Mary Ann Santiago