Inihayag ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) na may 18 pang lugar sa bansa ang nagpositibo sa paralytic shellfish poison (PSP) o red tide.
Sinabi ng ng BFAR na hindi muna maaaring kainin ang lahat ng uri ng shellfish at alamang na mahuhuli o maaani sa mga naturang lugar.
Ayon sa BFAR, nananatili pa ring positibo sa red tide ang Puerto Princesa Bay, Puerto Princesa City sa Palawan; coastal waters sa Dauis at Tagbilaran City sa Bohol; Tambobo Bay, Siaton sa Negros Oriental; Calubian sa Leyte; Balite Bay, Mati City sa Davao Oriental; Lianga at Bislig Bays, at coastal waters ng Hinatuan sa Surigao del Sur.
Natuklasan din ng BFAR na nagpositibo na rin sa red tide ang coastal waters ng Daram Island, at Zumarraga, Cambatutay at Villareal Bays sa Western Samar; coastal waters ng Leyte, Carigara at Ormoc Bays, at Cancabato Bay, Tacloban City sa Leyte; coastal waters ng Biliran Islands; at Murcielagos Bay sa Zamboanga del Norte.
Nilinaw ng BFAR na ang mga isda, pusit, hipon at alimango na mahuhuli sa mga naturang lugar ay ligtas kainin, gayunman, kinakailangan lamang na sariwa ang mga ito at hugasan muna ng mabuti bago lutuin.
Jun Fabon