Natuklasan ang mga labi ng siyam na Neanderthal sa isang kuweba sa Italy, inanunsiyo ng culture ministry nitong Sabado, Saturday, isang malaking diskubre sa pag-aaral ng sinaunang tao.

Pinaniniwalaang pawang adult, ang mga labi ng indibiduwal na natagpuan sa Guattari Cave sa an Felice Circeo, na matatagpuan sa coast sa pagitan ng Rome at Naples, bagamat may isa na maaaring nasa kabataan pa.

Walo sa mga ito may petsa na nasa pagitan 50,000 at 68,000 taon, habang ang pinakamatanda ay maaaring nasa 90,000 o 100,000 taong gulang, ayon pa sa ministry.

"Together with two others found in the past on the site, they bring the total number of individuals present in the Guattari Cave to 11, confirming it as one of the most significant sites in the world for the history of Neanderthal man," aniya.

Internasyonal

Mahigit 40 unggoy, nakatakas sa isang research compound sa South Carolina

Pinuri naman ni Culture Minister Dario Franceschini ang natuklasan bilang "an extraordinary discovery which the whole world will be talking about".

Sa pahayag ni Francesco Di Mario, na siyang nanguna sa excavation project, kinakatawan ng pagkakadiskubreng ito, ang Neanderthal population na maaaring may malaking populasyon noon sa lugar.

Para naman kay Local director of anthropology Mario Rubini ang “discovery will shed important light on the history of the peopling of Italy".

"Neanderthal man is a fundamental stage in human evolution, representing the apex of a species and the first human society we can talk about," aniya.

Mula ang matagumpay na diskubre sa isang pag-aaral na nagsimula noong Oktubre 2019 sa Guattari Cave, na aksidenteng natuksan ng isang grupo ng mga manggagawa noong Pebrero 1939.

Sa pagbisita sa lugar ni paleontologist Albert Carlo Blanc, natuklasan nito ang isang “well-preserved skull” ng isang Neanderthal man.

Naisara ang kuweba sa pamamagitan ng mga sinaunang landslide, na nakatulong upang mapreserba ang loob habang unti-unting natutuklasan ang mga sikreto nito.

Natuklasan din sa isinagawang excavations kamakailan ang libu-libong buto ng mga hayop, partikular ng mga hyenas at iba pang hayop na pinaniniwalang dinala sa kuweba upang makain o iimbak.

Mayroon ding labi ng mga malalaking hayop tulad ng elepante, rhinoceros, giant deer, cave bear, wild horses at aurochs -- extinct bovines.

"Many of the bones found show clear signs of gnawing," pahayag ng ministry.

Agence-France-Presse