Kinumpirma kahapon ni Manila Mayor Isko Moreno na tinanggap na niya ang second dose ng Sinovac vaccine kaya kumpiyansa aniya siyang nadagdagan na ang kanyang proteksyon laban sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Gayunman, tiniyak ng alkalde na patuloy pa rin siyang nag-iingat at ito rin ang bilin niya sa iba pang naturukan na ng dalawang dose ng bakuna.

Panawagan din niya sa iba pang nabakunahan na patuloy pa ring magsuot ng face mask at ipairal pa rin tamang physical distancing.

Kaugnay nito, umapela rin ang alkalde sa lahat ng mga tumanggap ng kanilang first dose na huwag papalya sa pagtanggap ng kanilang  second dose.

National

Agusan del Sur, nilindol ng magnitude 5.3

“Di bale sobra sa araw, ‘wag lang kulang. Sa second dose, right now, ang pinatutupad ng WHO, DOH at IATF ay 28 days ang pagitan ng first at second dose ng Sinovac,” ayon sa alkalde.

Ang pahayag ng alkalde ay bilang tugon sa katanungan sa kanyang live broadcast, kung okay lang na tumanggap ng second dose nang mas maaga o lagpas sa itinakdang  28 araw.

Mary Ann Santiago