Niyanig ng pagsabog ang labas ng isang girl’s school sa kabisera ng Afghanistan nitong Sabado na kumitil sa buhay ng higit 30 tao kabilang ang mga estudyante habang hindi pa matiyak ang bilang ng mga nasugatan.
Naganap ang pagsabog sa west Kabul district ng Dasht-e-Barchi — madalas na target ng Sunni Islamist militants — habang abala ang mga residente sa pamimili bilang paghahanda sa Eid-al-Fitr sa susunod na linggo, na hudyat ng pagtatapos ng Ramadam, ang buwan ng pag-aayuno ng mga Muslim.
Nangyari ang pagsabog habang patuloy ang pagpapauwi ng United States military sa huling 2,500 tropa mula sa “violence-wracked” Afghanistan, sa kabila ng malamlam na usaping pangkapayapaan sa pagitan ng Taliban at gobyerno ng Afghanistan upang wakasan ang dekadang digmaan.
“More than 30 students and other countrymen have been killed, and over 50 more were wounded. The toll is rising,” pagbabahagi ni interior ministry spokesman Tareq Arian.
Sa pahayag ni Arian’s deputy Hamid Roshan, sinabi nitong nagsimula na ang imbestigasyon hinggil sa pinagmulan ng pagsabog.
“I saw many bloodied bodies in dust and smoke, while some of the wounded were screaming in pain,” saad ni Reza, isa sa mga nakaligtas sa pagsabog, kung saan karamihan ng mga biktima ay mga babaeng kabataan na pauwi pa lamang buhat sa paaralan.
“I saw a woman checking the bodies and calling for her daughter. She then found her daughter’s blood-stained purse after which she fainted and fell to the ground.”
Wala pa namang umaako sa pagsabog, at itinanggi na ng Taliban ang pagkasangkot dito.
Gayunman, isinisi ni President Ashraf Ghani sa grupo ang pag-atake, na naganap malapit sa entry gate ng Sayed Al-Shuhada girls’ school.
“This savage group (Taliban) does not have the power to confront security forces on the battlefield, and instead targets with brutality and barbarism public facilities and the girls’ school,” pahayag ng pangulo.