LUCENA CITY- Patay ang isang emplayadong gobyerno matapos sumalpok ang motorsiklo nito sa isang cable drilling machine sa Bgy. Ibabang Dupay, kahapon ng madaling araw.

Kinilala ng mga awtoridad ang nasawi na siHarold Santos, 31, binata at taga-Molave St., Hills View Subd., Bgy. Mayao Crossingng lungsod.

Tinatahak ni Santos ang Diversion Road patungonngSariaya, Quezon nang biglang masalpok nito ang nakaparadangcable drilling machine sa tabi ng lansangan.

Dead on arrival sa Quezon Medical Center si Santos sanhi ng matindingpinsala sa ulo, ayon sa pulisya.

Probinsya

Walo sa 10 biktima sa SCTEX road crash, patungong 'children's camp’

Danny Estacio