BUGUEY, Cagayan - Patay ang isang barangay chairman nang pagbabarilin ng dalawang lalaki habang
minamaneho nito ang kanyang truck sa Bgy. Remebella sa nasabing bayan, nitong Sabado ng hapon.
Ayon kay PSMS Arnel Tamanu, may hawak ng kaso, hindi na naisugodsa ospital ang biktimang si Renante Ritarita , 46, isa ring negosyante, at taga-Fula, Buguey, Cagayan, matapos na bawian ng buhay sa pinangyarihan ng krimen dahil sa mga tama ng bala sa katawan.
Sinabi ng pulisya, kade-deliver lamang ng biktima sa lupang nakahotng kanyang mini dump truck sa isang Cesar Dumlao at nang pauwi na ito lulan ng kanyang truck ay bigla na lamang hinarang at pinagbabaril ng dalawang lalaking naka-face mask, dakong 4:45 ng hapon.
Pinaghahanap pa ng mga awtoridad ang dalawang suspek upang panagutin sa kaso.
Narekober naman ng pulisya ang 16 basyo ng M16 Armalite rifle sa cirme scene.
Iniimbestigahan pa ng pulisya ang kaso upang matukoy ang motibo sa krimen.
Liezle Basa Iñigo