TARLAC PROVINCE - Dalawang pinaghihinalaang tulak ng iligal na droga ang naaresto ng mga awtoridad sa Sitio Urquico, Bgy. Matatalaib, Tarlac City, nitong Sabado ng gabi.

Under custody na ng pulisya ang dalawang suspek na kinilala ni Master Sergeant Benedick Soluta, may hawak ng kaso, na sina Charlie Salinas, 35, vendor, nasa drug watchlist ng pulisya; at Jhon Jhon Bondoc, 52, biyudo, barbero, at kapwa taga-naturang lugar.

Nasamsam sa kanila ang hindi pa mabatid na halaga ng shabu at marked money.

Nahaharap ngayon ang dalawa sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Probinsya

13-anyos, pinakabatang nagpositibo sa HIV sa Palawan