Hindi bababa sa 15 katao ang namatay nitong Sabado matapos ang pananalasa ng landslide sa isang clandestine artisanal gold mine sa Guinea’s northeast Siguiri region ng Guinea, pagbabahagi ng mga rescuers at saksi.

Isang malaking tipak ng bato ang gumuho malapit sa isang komunidad sa Tatakourou ayon sa unang telephoned reports mula sa lugar, na hindi naman malinaw kung ang mga biktima ay nabagsakan ng bato sa minahan o nalibing sa loob ng pasilidad.

Ayon sa isang Red Cross official sa lugar, hindi bababa sa 15 katao ang nasawi habang hindi naman isinantabi ang posibilidad na may iba pang nalibing sa bukana ng minahan.

Sa pahayag ni Sinaman Traore, isang gold panner sa minahan, nakita niya ang mga volunteers na nailigtas ang dalawa nilang kasamahan.

Internasyonal

Mahigit 40 unggoy, nakatakas sa isang research compound sa South Carolina

“This situation in the Siguiri mines concerns all of us — at the end of the day these landslides are more deadly than the Covid-19 pandemic,” pahayag ni police capitain Mamadou Niare.

Nasa 149 na ang namatay sa COVID-19 sa bansa, bagamat madalas ang naitatalang aksidente sa mga minahan sa bansa, partikular sa bahagi ng Siguiri malapit sa border ng Mali.

Agence-France-Presse