BATAAN - Dead on the spot ang isang opisyal ng Bataan Peninsula State University (BPSU) nang sumalpok sa isang truck

ang minamanehong Asian Utility Vehicle (AUV) sa Roman Superhighway sa Abucay, kamakailan.

Ang nasawi ay kinilala ni Maj. Leopoldo Estorque, Jr., hepe ng Abucay Police, na si Jose Paulo Tuazon, 37, director for Auxiliary & Entrepreneurial Services ng BPSU, at taga-Bgy. Doña Francisca sa Balanga City.

Aniya, kapwa binabagtas ng dalawang sasakyan ang nasabing kalsada patungong Balanga City nang maganap ang aksidente, malapit sa crossing ng Bgy. Laon, dakong 7:30 ng gabi.

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

Nakita sa dashcam na narekober sa sasakyan ni Tuazon, pa-kaliwa na sana ang dump truck at nakasindi ang signal light nito nang biglang salpukin ng nasabing AUV.

Sa lakas ng pagkakabangga, wasak na wasak ang AUV kaya hindi na nakaligtas si Tuazon.

Hawak na ng mga awtoridad ang driver ng truck na si Alvin Arro, taga-Bgy. Mabatang, Abucay, at nahaharap sa kasong reckless imprudence resulting in homicide at damage to property.

PNA