AURORA - Isang babaeng elementary school teacher ang binawian ng buhay matapos matuklaw ng Philippine Cobra sa loob mismo ng paaralan sa San Luis sa naturang lalawigan, nitong Huwebes.

Kinilala ng San Luis Police ang nasawi na si Rizza Laureano, 49.

Ayon sa kapatid ng biktima, palabas na ng palikuran ang biktima nang matuklaw ng ahas na nasa cabinet.

"Nag-CR lang siya, paglabas niya, mayroon cabinet na katabi, ngayon 

Probinsya

Mag-inang menor-edad, natagpuang nabubulok na bangkay sa loob ng sariling bahay

hinawi niya ang kurtina, 'yung kamay niya ang ipinanghawi ng kurtina, doon siya natuklaw ng ahas," kuwento ni Michelle Donato.

Kaagad namang naisugod sa ospital si Laureano, gayunman, wala umanong anti-venom ang pagamutan kaya namatay din ito matapos ang tatlong oras.

Light Nolasco