Nakapagtala ang Valenzuela City ng  341 na coronavirus disease 2019 (COVID-19) cases sa loob lamang ng isang araw.

Sa datos ng City Epidemiology and Surveillance Unit (CESU), ang nasabing bilang ng kaso ay mula sa una at ikalawang distrito ng lungsod sa 33 barangay.

Gayunman, nilinaw ng CESU na pawang asymptomatic ang mga naturang pasyente na pawang nasa isolation facility na ng lungsod. 

Sa kasalukuyan, nasa 18,101  na ang  confirmed  cases ng sakit.

Metro

Riding in tandem na nangholdap, ibinalik mga gamit ng biktima; pero ₱25k in cash, itinakbo!

Kaugnay nito, umaapela ang lokal na pamahalaan ng lungsod na sundin pa rin ang health at safety protocols upang hindi na lumaganap pa nangn husto ang virus.

Orly Barcala