Inaprubahan ng health officials sa Russia ang single-dose version ng Sputnik V coronavirus vaccine, inanunsiyo ng developers nitong Huwebes.
Sa isang pahayag, sinabi ng Russian Direct Investment Fund (RDIF), na ang Sputnik Light “demonstrated 79.4 percent efficacy” kumpara sa 91.6 porsiyento para sa dalawang shot ng Sputnik V.
Ang resulta ay galing, anila, sa “data taken from 28 days after the injection was administered as part of Russia’s mass vaccination program between 5 December 2020 and 15 April 2021.”
Higit 60 bansa na ang nag-apruba sa paggamit ng Russian vaccine, sa kabila na hindi pa ito aprubado ng European Medicines Agency (EMA) o ng United States’ Food and Drug Administration (FDA).
Ilang bansa sa Kanluran ang nananatiling may pagdududa sa Sputnik V — na ipinangalan sa Soviet-era satellite —hinggil sa pangamba na gagamitin ito ng Kremlin bilang soft-power tool para sa kanilang interes.
Agosto pa nagparehistro ang Moscow para sa kanilang bakuna, bago pa ang large-scale clinical trials, ngunit una nang sinabi ng leading medical journal na The Lancet na ligtas ang bakuna at ang dalawang doses nito ay may 90 porsiyentong bisa.
Isang pahayag ang nagsabi na naglunsad na ng third-phrase trials ang state-run Gamaleya research institute, na nag-developed ng Sputnik V vaccine, at RDIF sa ilang mga bansa, kabilang ang Russia, UAE at Ghana, noong Pebrero sangkot ang 7,000 tao at inaasahang lalabas ang resulta ngayong taon.
Mayroon na, anilang, higit 20 milyong tao ang tumanggap ng kanilang unang shot ng Sputnik V.