Hiniling ni Speaker Lord Allan Velasco sa Department of Health (DOH) at sa Professional Regulation Commission (PRC) na pahintulutan ang mga hindparehistradong nurse na magtrabaho bunsod ng kakulangan ngayon ng health workers sa bansa.

"Since na-postpone rin recently ‘yung nursing board exam, we can actually tap ‘yung mga supposedly magbo-board exam and use them as health workers,” ayon sa kanya.

Ang mga unregistered nurse ay maaaring magtrabaho sa ilalim ng superbisyon ng isang rehistradong nurse o doktor sa pamamagitan ng isang special arrangement sa PRC. “Aral na po ang mga ‘yan,” sabi ni Velasco hinggil sa inaasahang pagkuha nila ng licensure exam sa susunod na ilang buwan. They are resources that we can actually use to help fight the pandemic.”

Ipinasiya ng PRC na ipagpaliban ang pagsusulit o ngayong taon nursing board exam na nakatakdang idaos ngayong Mayo 30 at 31 batay sa kahilingan ng Philippine Nursing Association (PNA) bunsod ng pagdami ng bilang ng mga kaso ng COVID-19 . Muling iniskedyul ang pagsusulit sa Nobyembre 21-22.

Politics

Pagpapaliban sa impeachment ni VP Sara, magandang desisyon —political scientist

Sa datos ng DOH,hanggang nitong Abril April 25, umabot na sa 17,365 health workers ang tinamaan ng COVID-19, ang 195 ay mga aktibong kaso. SInabi pa ng DOH, may 88 health workers ang namatay samantalang 17,082 naman ang gumaling.

Bert de Guzman