NUEVA ECIJA - Labing-pitong vintage bomb na pinaniniwalaang ginamit pa noong World War 2 ang aksidenteng nahukay ng isang backhoe operator sa isang ginagawang tulay sa Bgy, Camanasacan, San Jose City, nitong Miyerkules ng umaga.

Sa report ng pulisya, naghuhukay ang grupo ni Ryan Ambrocio, 27, para sa itinatayong tulay sa lugar nang matamaan ng kanilang backhoe operator ang isang bomba, dakong 11:30 ng umaga.

Aabot sa 17 bomba ang nahukay na ayon sa Provincial Explosive Ordnance Disposal and Canine Unit ng Nueva Ecija ay posible pang sumabog ang mga ito.

Light Nolasco

Probinsya

Kumpareng lasing na aksidenteng 'tinuhog' si kumare, nasakote