SENTRO ng talakayan ang badminton, netball at swimming sa “Usapang Sports on Air” ng Tabloids Organization in Philippine Sports (TOPS) ngayong Huwebes (Mayo 6).

Panauhin para magbigay ng kanilang mga pananaw sina Philippine badminton team coach Bianca Carlos, Philippine netball secretary-general Sea Ann Gallegos, head coach Angelina Fedillaga at player Eunice Japone.

Kilalanin dina ng batang Dubai-based swimming champion na si Jaella Miche Mendoza sa lingguhang sports forum na itinataguyod ng Philippine Sports Commission, PAGCOR, at Games and Amusements Board (GAB). Magsisimula ang programa ganaop na 10:oo ng umaga.

Inaasahang ibabahagi ni Carlos, premyadong women’s singles ng UAAP para sa Ateneo Lady Eagles mula 2013-2017, ang kanyang bagong gawain bilang coach ng national team, gayundin ang progreso para sa darating na 31st Southeast Asian Games sa Vietnam.

Magbibigay naman ng ilang updates sa netball sina Gallegos, Fedillaga at Japone habang ikukwento naman ni Mendoza ang kanyang international swimming experience.

Brandon Clarke ng Memphis, pumanaw sa edad na 29!

Inaanyayahan ni TOPS president Ed Andaya ng People’s Tonight ang lahat ng officers, members at mga kasamahan sa sports community na makiisa sa session.