ni ROBERT REQUINTINA
Sa unang anibersaryo ng pagsasara ng ABS-CBN, inalala ng aktres na si Ruffa Gutierrez kung paano siya na-heartbroken nang magsara ang broadcast network noong Mayo 5, 2020.
“Throwback to May 5, 2020. My post: At a time wherein millions are dying, losing their jobs and struggling to make ends meet in the midst of a global pandemic, ABS-CBN just signed off. It was painful to watch,” tweet ni Ruffa nitong Mayo 5.
Dagdag pa niya: “Just when we thought there was a glimmer of hope that we can still continue to provide for our families and to others na umaasa sa atin. I am heartbroken.To my ABS-CBN & Love Thy Woman family, stay strong & huwag tayong mawalan ng pag-asa.”
Sa kabila naman ng pagpapasara ng pamahalaan, itinuloy ng ABS-CBN ang misyon nito na “in the service of Filipinos,” sa pagbabalik ng flagship newscast na TV Patrol.
Dakong 6:25 ng hapon, Mayo 7, muling napakinggan ang iconic music ng “TV Patrol” sa pagbubukas ng programa sa ABS-CBN News’ official website at pages sa Facebook at YouTube, ANC, at ang streaming service na iWant. Sa overseas, umere din ito sa The Filipino Channel.
Para sa mga Pilipinong matagal nang umasa sa “TV Patrol” para sa impormasyon at balita, nangangahulugan itong paglipat mula sa panood sa telebisyon,patungo sa streaming sa kanilang smartphones, tablets, o computers,” pahayag ng ABS-CBN.