IBINALITA ni NLEX guard Kiefer Ravena na kabilang na siya sa Jordan Brand family.
Si Ravena ang unang Filipino athlete na nakasama sa star-studded roster.
"I still can't believe that I'm part of the Jordan Brand family," pahayag ni Ravena.
"Being in the same family as MJ (Michael Jordan) and so many other names synonymous with greatness -- I want to be a part of that,"ayon pa sa dating UAAP MVP. "Being in the Jordan Brand family motivates me, because I know I'm joining something special."
Mula pa noong naglalaro sya sa high school sa Ateneo Blue Eaglets ay halos kinalakhan na nya ang pslaglalsro gamit ang Nike at ngayon nga ay kabilang na sya sa isang malaking bahagi ng Nike corporation.
Kabilang sa mga kilalang nasa hanay ng Jordan Brand ay sina Luka Doncic ng Dallas Mavericks, Bam Adebayo ng Miami Heat at Chris Paul ng Phoenix Suns gayundin ang mga WNBA players na sina Jordin Canada, Te'a Cooper at Chennedy Carter.
Sa Asia, ang superstar point guard na si Guo Ailun ng China ay isa ring Jordan Brand athlete. Marivic Awitan