ni ZALDY COMANDA
LA TRINIDAD, Benguet – Isang magsasaka ang inaresto ng pulisya matapos mahulihan ng iligal na mga baril sa isinagawang search warrant operation sa bahay nito ng Apayao, kamakailan.
Kinilala ni Apayao Provincial Police Office Director Col. Peter Tagtag, ang nadakip na si Marcos Bergonia Ragutero, 47, ng Malaguyan, Flora, Apayao.
Ayon kay Tagtag, kinumpiska ng mga awtoridad sa suspek ang isang homemade shotgun; isang shotgun branded with New Cobra; isang Converted .22 Uzi-type rifle; isang converted .22 Rifle; isang shotgun magazine; at iba’t ibang bala ng baril matapos salakayin ang bahay nito sa sa Malayugan, Flora.
Sasampahan ang suspek ng kasong paglabag Comprehensive Law on Firearms and Ammunitions Regulation Act.