ni MERCY LEJARDE

Hindi napigilan ni Sharon Cuneta na maging emosyonal sa transformation ni Klarisse de Guzman bilangMegastar.

Nanaig ang husay sa pagkanta at panggagaya ng “Soul Diva” na itinanghal na weekly winner sa ika-siyam na linggo ng Your Face Sounds Familiar Season 3.

“Ang ganda-ganda kasi ng letra, ang galing ng pagkakasulat. That was written by Willy Cruz,” papuri ni Sharon sa lumikha ng kanyang kanta na Sana’y Wala Nang Wakas.

Tsika at Intriga

Tanong sa Family Feud PH tungkol sa suspek na inaaresto, usap-usapan

Tumanggap si Klarisse ng 26 puntos na siyang pinakamataas sa linggong ito. Pinuri rin siya ng Megastar na nagsabing isa siya sa pinakamagaling umawit sa industriya.

“Hindi ko alam kung mayroon kang hindi kayang gawin. Pagaling ka nang pagaling. Like I said before, fan na fan mo na ako kasi talagang dito nakita lalo ‘yung capabilities mo. Thank you for doing me as I would do myself. Maybe even better.”

Aminado naman si Klarisse na kinabahan siyang gayahin at mag-perform sa harap ng isa sa kanyang mga idolo.

“Sobrang fan po ako ni Ms. Sharon lahat ng movies niya napanood ko…Sa pagkanta parang first time ko po siya ma-impersonate. So ang hirap akala ko kasi madali relaxed kasi masarap pakinggan si Ms. Sharon but pag kinanta mo siya iba, ang hirap nung technique.”

Ikatlong panalo na ito ngayong season ni Klarisse, na nag-uwi rin ng tropeo at P50,000 na weekly prize bilang Minnie Riperton at Jaya ilang linggo na ang nakararaan. Sunod niyang gagayahin ang rakistang si Ann Wilson ng bandang Heart.

Sigurado namang babawi ang mga kapwa niya celebrity performer. Si Christian Bables na gaganap bilang Mike Hanopol, si CJ Navato si Michael Bolton, at 98 Degrees naman ang gagayahin ng iDolls.Kaabang-abang din ang pagta-transform nina Lie Reposposa at Vivoree Esclito bilang Imelda Papin at Avril Lavigne.

Bukod kay Mega at Klarisse, naging emosyonal din ang iba tulad nina Christian at CJ matapos magpatunay sina Ogie Alcasid at Gary Valenciano sa kakayahan nila bilang mga artist. Maganda rin ang komento sa ipinakita nina Lie at Vivoree, habang sina Matty, Enzo, at Lucas naman ay nakapagpasalamat sa pagkakaibigang nabuo nila sa iDolls.

Abangan sila muli sa “Your Face Sounds Familiar Season 3” tuwing Sabado ng 8 pm at Linggo 7:30 pm sa Kapamilya Channel, A2Z, Kapamilya Online Live, at iWantTFC.