ni REMY UMEREZ

Si Dimples Romana na lalong kilala bilang Daniela Mondragon ng seryeng Kadenang Ginto ay nagtapos ng International Hospitality Management Major in Culinary Arts at nakatulong ito nang malaki sa binuksan niyang restaurant kamakailan, ang Alegria.

Ito ang bagong negosyo na matatagpuan sa Teck Lim Road sa Singapore na ang specialty ay Latin-American cuisines.

Samantala, ikinatuwa ng marami ang special participation ni Dimples sa Huwag Kang Mangamba. Napapanood din ang aktres sa Oh My Dad na produced ng Brightlight Productions para sa TV5.

Jowa ni Klarisse De Guzman, binweltahan ang basher: 'You crossed the line!'

Mabait at mapagkawang-gawa si Dimples. Pinuri ang mag-asawang Dimples at Boyet Ahmee ng bigyan nila ng bagong bahay ang kanilang helper na si Vilma na matagal na silang pinaglilingkuran.