ni LIGHT NOLASCO

Dalawang pinaghihinalaang drug pusher ang napatay matapos umanong manlaban sa buy-bust operation sa San Jose City, Nueva Ecija, kamakailan.

Kinilala ni City Police chief, Lt. Col. Criselda De Guzman, ang dalawang napatay na sina John Patrick Lozano, nasa hustong gulang, at Christian De Jesus, kapwa taga-Paniqui, Tarlac.

Sa pagsisiyasat nina PSMS Elmer Cabaltica at PSSgt. Alvin Dave Cabildo, may hawak ng kaso, ikinasa ang anti-illegal drugs laban sa dalawa sa Bgy. Caanawan ng naturang lungsod.

Probinsya

Catanduanes, niyanig ng magnitude 6.1 na lindol

Nakahalata umano ang mga suspek kaya pinaputukan nila ang mga pulis na huhuli sana sa mga ito.

Gayunman, sa pagganti ng awtoridad, napatay ang dalawa.

Narekober sa pinangyarihan ang hindi pa mabatid na halaga ng shabu at baril.