ni FER TABOY

Hindi na palalawigin ng Department of Interior and Local Government (DILG) ang pamamahagi ng cash aids sa mga residente na apektado ng mahigpit na community quarantine sa National Capital Region (NCR) Plus.

Sinabi ni DILG Secretary Eduardo Ano, na hanggang Mayo 15 na lamang ang nasabing pamamahagi ng ayuda sa NCR, Laguna, Cavite, Bulacan at Rizal.

Aniya, wala na dapat extension ito dahil sa napalawig na ito mula nang umpisahan ang pamamahagi noong Abril.

Eleksyon

JIL Church, nag-endorso ng 5 senatorial candidates

Halos lahat na rin aniya ng mga LGU ay naipamahagi na ang mga ayuda para sa mga naapektuhan ng modified enhanced community quarantine.