ni ROBERT REQUINTINA

Umani ng batikos ang action star na si Robin Padilla mula sa netizens matapos nitong sabihin na ang Dela Salle University sa Maynila ay isang Spanish school.

“Are you from Ateneo? de la salle? UST? All Spanish established schools for insulares, peninsulares and mestizos. You don’t need to be a doctor of anything to accept reality. No Reconquista will accept a defeat from a moor/Moro. Historians from this Reconquista schools will definitely say I am liar and a fool,” mababasa sa bahagi ng kanyang Facebook post nitong Mayo 2.

Ang post ay tugon ni Robin, bilang depensa sa naunang pahayag ni Sen. Bong Go na sinabing si Lapu-Lapu ay isang Tausug, bagay na binatikos din ng netizens.

Internasyonal

Pope Francis, nanawagan sa mga magulang, guro na labanan ‘bullying’

Dela Salle University

Isang netizen ang nagsabi na inaccurate ang pahayag ng actor, na humantong sa pagkuwestiyon nito sa educational background ng kanyang kritiko.

Ilan sa mga komento ang:

“He’s wrong!”

“Isn’t he married to someone who studied in DLSU for a while?”

“You are mistaken Senor Padilla”

“Turuan natin ng history ang mga eksperto sa history, yan ang role natin!”

Isang grupo naman ng mga historyador na kilala bilang High School Philippine History Movement ang nag-called out kay Robin para sa magulo nitong pahayag sa DLSU.

“Ang De La Salle University (DLSU-Manila) ay itinatag noong June 16, 1911 noong panahon ng mga Amerikano,” pahayag ng grupo sa Facebook.

“Itinatag ito sa tulong ng mga Amerikanong brothers, ang ‘Institute of the Brothers of the Christian Schools’ (FSC) o mas kilala bilang Lasallian Brothers. Hindi po ito itinatag noong panahon ng Espanyol o ng mga Kastilang prayle. These are irrefutable historical facts. Walang personalan,” saad pa ng grupo.