ni MARY ANN SANTIAGO

Iniulat ni Philippine General Hospital (PGH) Spokesperson Dr. Jonas del Rosario na nasa 90% na ang COVID-19 bed capacity ng kanilang pagamutan, kahit pa unti-unti nang bumababa ang mga kaso ng COVID-19 na naitatala sa rehiyon.

Ayon kay del Rosario, sa ngayon ay 234 na sa 250 COVID-19 beds ang okupado ng mga pasyente.

Mayroon rin naman aniyang 80 pasyente ang naghihintay para ma-admit sa PGH at malapatan ng lunas.

National

Super Typhoon Ofel, napanatili ang lakas habang nasa northeast ng Echague, Isabela

“That’s more than 90 percent occupancy. Ang aming ICU (intensive care unit) puno pa rin. Ang aming emergency room ay puno rin, madaming tinatanggap na pasyente,” ani del Rosario, sa panayam sa teleradyo.

“Halos 80 patients po ang naghihintay para matanggap sa'ming ospital. Puno po ang charity beds namin. Ang isang nagiging limitasyon ay oxygen ports,” aniya.

Kinumpirma rin ni Del Rosario na may downtrend na ang mga kaso ng virus, ngunit nito aniyang nakalipas na tatlong araw ay nadagdagan na naman ito.

“Nagulat kami 234 na naman, akala namin tuloy-tuloy na (ang pagbaba ng cases),” aniya pa.

"Kung babasehin sa numero namin, siguro mas okey i-extend pa ang MECQ. From now to mid-May, tingnan natin ang mga datos, baka naman mas malaki ang ibaba."