ni BETH CAMIA

Karapatan sa malayang pagpapahayag.

Ito na lamang ang naging reaksyon ng Malacanang sa tweet ni Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin kontra sa China na kanyang pinalalayas mula sa teritoryo ng Pilipinas.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, karapatan ni Locsin ang malayang pamamahayag nang sabihin nito sa kanyang tweet na dapat na lumayas sa territorial waters ng Pilipinas ang mga barko ngChina na magpahanggang ngayon ay naroroon.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Sinabi ni Roque na hindi nila panghihimasukan ang gayung karapatan ng Kalihim na malayang makapagpapahayag ng kanyang saloobin.

Bukod sa naturang tweet, ibinulalas din ni Locsin ang pagkadismaya nito na idinaan sa pagtatanong.

Ano daw ba ang mahirap para intindihin sa deklarasyon ng UN Arbitral Award at karapatan ng Pilipinas sa West Philippine sea.