ni BETH CAMIA

Sa pagnanais na matiyak ang kaligtasan at kapakanan, hinihikayat ng Malacañang ang mga Overseas Filipino Workers na magpabakuna rin kung saang bansa man sila naroroon sa kasalukuyan.

Ang panawagan ay ginawa ni Presidential Spokesperson Harry Roque sa harap na rin ng pagnanais ni Pangulong Rodrigo Duterte na matiyak ang kaligtasan ng mga Pilipino sa ibayong-dagat.

Binigyang-diin ni Roque na sakop naman ang lahat ng pagbabakuna na ginagawa na rin naman ng halos lahat ng bansa sa buong mundo.

National

VP Sara sinabing si Romualdez ang gustong pumatay sa kaniya

Paalala pa ng tagapagsalita ng Presidente, hindi kailanman maaaring masabing ligtas ang lahat kung hindi ligtas ang bawat isa.

Maaari namang makipag-ugnayan ang mga Pinoy na nasa abroad sa embahada ng Pilipinas para sa paghingi ng kailangang asiste sa pagbabakuna.