ni BETH CAMIA

Tiniyak ng Malacañang na makauuwi ang mga Pinoy na nais na makabalik ng bansa mula sa India.

Ang kailangan lang, sabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque, ay tapusin ang travel ban na magtatagal ng hanggang Mayo 14.

Siniguro na rin ni Philippine Ambassador to India Ramon Bagatsing na may ginagawa ng hakbang ang Embahada para sa repatriation.

Eleksyon

JIL Church, nag-endorso ng 5 senatorial candidates

Isa na rito ang pag-aayos ng chartered flight ng mga Pilipinong nasa India pauwi sa Pilipinas.

Nangangamba ang ilang mga Pinoy sa India sa kasalukuyang sitwasyon doon bunsod ng napakaraas na kaso ng COVID-19, gayundin ang estado ng health care ng bansa na hindi na kinakaya ng mga pagamutan ang dami ng mga pasyente ng COVID-19.