Natapos na kamakailan ang airing ng Angkara Cinta, ang most-watched show para sa 2020 sa Astro Prima Channel, na Malaysian adaptation ng ABS-CBN drama na Tayong Dalawa.

Patungkol ang serye sa dalawang magkapatid na parehas ang pangalan at umibig sa iisang babae. Nagsimulang umere ang Angkara Cinta noong November 2, 2020 hanggang April 9, 2021 sa Astro Prima HD at Astro Prima channel daily. At streaming din sa Astro Go app na on-demand.

“Angkara Cinta’s successful run in Malaysia affirms ABS-CBN’s expertise in creating stories that have universal appeal and inspires us to continue on our path to becoming a bigger content provider in the global market. We are grateful for the overwhelming response from our Malaysian audiences,” pahayag ni ABS-CBN head of Program Acquisitions and International Sales and Distribution Macie Imperial.

Ayon kay Astro Prima channel manager Norzeha Mohd Salleh, orihinal na may 70 episodes ang palabas, ngunit na-extend ito ng 45 episodes matapos ang magagandang feedback mula sa manonood.

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador

“We are very happy and honored with the warm response that the drama ‘Angkara Cinta’ received. It garnered the highest number of views on Astro Prima throughout 2020. So as a token of appreciation, we gave our viewers 45 additional episodes,” pahayag ni Salleh.

Patok din sa social media ang promotional video ng serye na nakalikom ng higit 8 million total digital views matapos ang hashtag na #AngkaraCinta.

Noong 2020, pinalawig ng ABS-CBN ang content distribution nito sa African, Latin American, at Asian territories at nakabenta ng 16 titles, kabilang ang Tayong Dalawa, Brothers, The Heiress, Destined Hearts, The General’s Daughter, at marami pa.

Manila Bulletin Entertainment