ni JALEEN RAMOS

Dalawang Filipino-American na magkapatid ang nasawi matapos mag-crash ang sinasakyan nilang kotse sa isang sasakyan na hinahabol ng mga pulis sa northern California.

Pauwi na mula sa kanilang trabaho sina Philip Nievas, 21, at kapatid nitong babae, na si Precious Nievas, 25, nang mahagip ang kanilang sinasakyan ng isang sasakyan na hinahabol ng mga pulis dahil sa isang traffic violation dakong 10:00 ng gabi, nitong Abril 26 sa West San Jose, mula sa ulat ng KTVU News.

Ayon sa awtoridad, sinubukan nilang harangin ang isang Honda Accord ngunit hindi ito tumigil, lumampas sa red light, at bumangga sa Toyota Camry ng magkapatid.

Internasyonal

Tinatayang 150 milyong bata sa buong mundo, nananatiling 'undocumented'

Sa lakas ng impact, natulak ang Toyota Camry ng 250 feet layo hanggang sa bumangga sa pader.

Agad nasawi ang magkapatid sa aksidente.

Naisugod naman sa ospital ang driver at 17-anyos nitong pasahero na nagtamo ng bahagyang sugat.

Kapwa inaresto ang dalawa sa kaso “on suspicion of evading an officer and gross vehicular manslaughter,” dagdag pa ang multiple firearm at narcotics offenses.

Isang GoFundMe page naman ang itinatag upang makatulong sa funeral expenses ng magkapatid.

Inilarawan naman ang magkapatid na “very kind and down to earth.”

“Precious has a sweet smile that many people will not forget. Philip was a quiet person who loved playing video games. But when people get to know him, they see that he is a funny and sarcastic person with a very soft heart,” ayon sa page.

“They were both extremely young with many dreams.”