ni MARIVIC AWITAN

Napaganda ang tsansa ng Filipina-Japanese karateka na si Junna Tsukii na magkaroon ng katuparan ang pangarap nyang mag-qualify sa Tokyo Olympics.

Ito'y pagkaraang manalo ni Tsukii ng kanyang unang Karate Premier League gold medal matapos igupo si Moldir Zhangbyrbay ng Kazakhstan, 2-0, sa finals ng female-50kg kumite event sa Lisbon, Portugal.

"Look at my first gold medal on the world calibre stage," saad ni Tsukii sa kanyang post sa social media. "I would like to thank everyone who have supported me to this point. This medal is for YOU."

National

SP Chiz, dinepensahan mga umano'y 'blank items' sa GAA: 'Kasinungalingan iyon'

Bunga ng naturang panalo mas lumaki ang tsansa nyang magkamit ng Olympics berth kung makukuha nya ang No. 1 sa Asian rankings sa kanyang weight class.

Sa ngayon ay nasa No.3 spot si Tsukii sa Asia at No. 9 sa world sa natipon nitong 3742.50 puntos.

Kinakailangan nyang lagpasan si world no.3 Sara Bahmanyar (5677.50) ng Iran at world No. 7 Ranran Li ng China (4950).

Sa nakaraang Karate Premier league, ginapi ni Tsukii si Bahmanya sa 3rd round, 2-1 kaya't inaasahang malaking puntos ang madadagdag sa kanya.

Posible rin namang mag qualify si Tsukii sa quadrennial meet kung mananalo sya sa Olympic qualifying tournament na gaganapin sa Paris, France sa susunod na buwan.