ni DANNY ESTACIO

Isang septuagenarian ang kasamang nasunog ng kanyang kubo sa Pamana Subdivision Barangay Bucal, Calamba City, Laguna nitong Lunes ng gabi.

Natagpuan ng mga tauhan nBureau of Fire Proptection (BFP) ang natustang katawan ni Arturo Guasil dakong 9:30 ng gabi.

Sa ulat ng BFP-Calamba City, natupok ng apoy ang kubo ng matanda at wala nang iba pang kabahayan na nadamay. Tumagal ng 30 minuto ang apoy bago ideneklara ng BFP na kontrolado na ang sitwasyon dakong 10:00 gabi.

Probinsya

10-anyos na batang babae, natagpuang patay; basag-bungo, walang saplot pang ibaba

Nang magsagawa ng clearing operation ang fire brigade ay nakita ang matanda sa natupok niyang bahay, habang inaalam pa ang pinagmulan ng apoy.