ni FER TABOY

Iniimbestigahan ngayon ng militar ang tatlong supplier ng baril at bala ng mga teroristang Bangsamoro Islamic Freedom Fighters na naaresto sa Shariff Saydona Mustapha, Maguindanao.                                                                                

Ayon kay 6th Infantry (Kampilan) Division Chief at Joint Task Force Central Commander Maj. Gen. Juvymax Uy, namataan ng mga tauhan ng 33rd Infantry Battalion Philippine Army ang tatlo suspek na kahina-hinala ang kinikilos habang sakay ng gray na Honda Civic na may plakang YDP-800 sa bahagi ng Shariff Saydona, Mustapha, Maguindanao.

Tinanong ng mga sundalo ang mga suspek kung ano laman ng kargamento sa kotse at nang ipakita ito sa kanila ay tumambad ang isang kahon na may laman na 6,000 rounds ng bala ng M16 Armalite rifles.

Probinsya

OFW na hinoldap, inundayan ng saksak sa terminal sa Maynila, nakauwi na ba sa pamilya?

Dahil walang naipakitang papeles ang mga suspek ay agad silang hinuli.

Pinaniniwalang dadalhin ng tatlo ang mga bala sa kuta na BIFF na halos paubos na ang mga bala resulta ng kalat-kalat nitong sagupaan sa militar.

Tumanggi muna ang pulisya at militar na isapubliko ang pagkakilanlan ng mga suspek habang patuloy ang imbestigasyon.