ni MARY ANN SANTIAGO
Sinuspinde ng Commission on Elections (Comelec) ang voter’s registration sa National Capital Region (NCR) Plus hanggang sa Mayo 14, kasunod ng pagpapalawig ng pamahalaan sa umiiral na modified enhanced community quarantine (MECQ).
Ayon sa Comelec, ang mga trabaho sa mga tanggapan sa NCR Plus ay suspendido rin mula Mayo 1 hanggang 14, kaya’t ang voter registration at pag-i-isyu ng voter's certification ay suspendido rin.
Sinuspindi rin ang voter’s registration at issuance of voter's certification sa Santiago City, Isabela, Abra at Quirino, mula Mayo 1 hanggang 31.
Ang voter registration at issuance ng voter's certification ay suspendido rin sa iba pang lugar na isinailalim sa ECQ o MECQ ng kani-kanilang local government units (LGUs) para sa anumang specific period sa buwan ng Mayo.
Sinabi naman ng Comelec na sa buong panahon ng MECQ sa NCR Plus areas at iba pang lugar, ay bukas ang Comelec Office for Overseas Voting (OFOV) sa Intramuros, Maynila upang asikasuhin ang mga voter registration applicants na nangangailangan nito para sa kanilang biyahe.