ni DANNY ESTACIO
GEN. LUNA, Quezon- Nahukay ng militar ang hindi pa nakikilalang kalansay sa Bgy. Lavides, sa nasabing bayan, nitong Linggo.
Ayon kay Corporal Ronil Martinez ng 59th Infantry Battalion ng Philippine Army's-Charlie Company na nakabase sa Bgy. Vista Hermosa, Macalelon, ini-report nila ang insidente sa Gen. Luna Police matapos maberipika ang impormasyon sa isang dating kaanib ng New People’s Army (NPA) na nagturo sa nasabing lugar.
Nagsasagawa pa rin ng follow-up investigation ang pulisya.