Nananawagan ang isang grupo ng mga frontliner sa lahat ng community pantry organizer na unahin ang pagpapatupad ng basic health protocols, bukod sa malinis na layuning makatulong sa mas nangangailangan sa gitna ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic.

Sa isang panayam, hinimok ni Alvin Constantino, Confederate Sentinels of God (CSG) Inc. founder, ang lahat ng organizer na mahigpit ipairal ang minimum health protocols ng Department of Health (DOH) upang lubos na maproteksyunan ang sinuman laban sa nakamamatay na virus.

Nagpahayag naman si Dr. Leo Olarte, Bayanihan Frontliners Movement lawyer-president, sinimulan na nila sa National Capital Region ang nationwide distribution ng mga pagkain at relief goods sa bahay-bahay katuwang ang Department of Social Welfare and Development kasabay ng libreng 24/7 online telemedicine service (www.docph.org).

Sinabi naman ni Dr. Benito Atienza, Philippine Medical Association president, isang joint Lingkod Bayanihan caravan ang kanilang pinasimulan sa Hospital de San Jose Orphanage sa Quiapo, Maynila para sa pamimigay ng mga pagkain at relief goods.

National

Agusan del Sur, nilindol ng magnitude 5.3

ROMMEL TABBAD